Thursday, September 15, 2016

Architect at Turista sa Boracay, huli sa buy-bust operation

Posted September 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Hindi na nakapalag pa ang isang Architect at turista matapos itong mahuli sa isinagawang buy-bust operation kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Rey Buendia y Morales, 36-anyos native ng Doongan, Butuan City at  Daniel Wilhelm Guntli, 31-anyos, isang Swiss national at temporaryong nakatira sa Brgy. Manoc-Manoc, Boracay.

Sa pinagsanib pwersa ng Malay MPS, BTAC, APSC BTAC, SWAT at 605th MARPSTA nahuli ang suspek sa pamamagitan ng isang poseur buyer kung saan narecover dito ang transparent plastic sachet ng sinasabing suspected shabu kapalit ng P1, 000.

Kung saan habang sa body search pang isinagawa nakuha pa kay Buendia ang dalawang plastic sachet at 1 pang  pinaniniwalaang droga kay Guntli at drug paraphernalia.

Samantala, pansamantala naman ngayong naka-kulong ang dalawang suspek sa Boracay PNP  at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

No comments:

Post a Comment