Friday, September 16, 2016

Mga hinuhukay na kalsada sa Boracay, nakatakdang imbestigahan

Posted September 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kalsada sa boracayNakatakdang imbestigahan ng Municipal Engineering ng Malay ang parti ng mga kalsada sa Boracay na hinukay at hanggang ngayon ay hindi parin naaayos.

Ayon kay Municipal Engineer Elizer Casidsid, susuriin umano nila ang mga construction na ginagawa sa mga kalsada sa Boracay upang malaman kung ano na ang status nito.

Aniya, bago paman bigyan ng permit ang mga konstraksyong ito ay nagbigay umano sila ng kondisyon kasabay ng pag-aaral ng nasasakupang ahensya bago bigyan ng rekomendasyon kung kaylan ito sisimulang tibagin.

Maliban dito nakasaad din umano sa naturang permit at rekomendasyon na kanilang napagkasuduan na ang mga ito na din umano mismo ang magbabalik o mag-aayos ng mga binungkal na bahagi ng kalsada.

Nabatid kasi na mayroong mga nababahala sa nasabing hukay na hanggang ngayon ay hindi parin ito naibabalik sa normal simula ng bungkalin at ayusin kung saan hindi na din umano ito maganda sa mata ng mga turista o maging sanhi umano ng insidente.

No comments:

Post a Comment