Posted September 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Binigyan ngayon ng karapatan ang mga Illegitimate
children na pumili ng kanilang apelyedo matapos ang revised implementing rules
at regulations ng Republic Act 9255 na umepekto noong Abril 9, 2016 ayon sa
Philippine Statistic Authority-Aklan.
Ang RA 9255 ay isang batas na pumapayag sa illegitimate
child o yong anak sa labas na gamitin ang apelyedo ng kanilang ama.
Ito ay salungat sa dating IRR, kung saan ang ama ay
nag-execute ng Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF), ang
kasalukuyang implementing rules ng nasabing batas na nangangailangan na ang
partikular affidavit na nagawa ng bata bago niya madala ang apelyedo ng ama.
Samantala, base sa report ng PSA-Aklan, maliban sa AUSF,
ang certificate ng attestation o patotoo ng ina ay kailangan kung ang bata ay 7
hanggang 17-anyos. Habang, ang nasa edad 6 na taong gulang pababa ang AUSF ay
kailangang makumpleto ng ina o guardian.
Ayon naman kay Engr. Antonet Catubuan, Chief Statistical
Specialist, na ang illegitimate child ay kailangang kilalanin muna ng kanilang
ama o kahit sa pamamagitan ng public document o private hand written instrument
bago ang apelyedo ng ama ay epektibo na sa birth certificate.
Sa kabilang banda nilinaw nito na ang revised IRR ay
kailangang lamang sa illegitimate children na pinanganak bago o pagkatapos ng
March 19, 2004, ang simula ng RA 9255, kahit na registered o hindi sa ilalim ng
apelyedo ng ina.
No comments:
Post a Comment