Tuesday, August 30, 2016

Mag-asawang Odicta, nahulihan umano ng baril sa Batangas bago napatay

Posted August 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nahulihan muna umano ng mga baril ang mag-asawang Melvin alyas “Dragon” at Meriam Odi cat bago napatay ang mga ito sa Caticlan Jettyport.

Pinagbabaril ang dalawa habang naglalakad pagkatapos bumaba sa barko galing Batangas kung saan una munang binaril umano ang asawa nito kasunod naman si alyas Dragon ng hindi nakilalang suspek.

Nabatid na pauwi na sana si  sa Iloilo sakay ng kanyang sasakyan papasok ng Batangas Port nang maharang ng mga pulis dahil sa mga nakuhang iba’t-ibang kalibre ng baril.

Agad namang ikinustodiya ng mga pulis ang mga nasamsam na baril at sasakyan bago pumalaot papuntang Caticlan Jetty Port.

Si Odicta ay nasa top list na umano'y “bigtime drug lord” ng PDEA Region 6.

Samantala, ayon naman sa isa sa kapatid ni Meriam na si Arnold Regalado, kahit ano man umano ang maging resulta sa imbestigasyon ng mga pulis sa kanyang kapatid at bayaw ay nakatakda nilang sampahan ng kaso kung sinuman ang nasa likod ng pagbaril-patay sa mag-asawang Odicta.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente.

No comments:

Post a Comment