Posted August 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tuloy-tuloy sa pagbibigay ng pangaral o lecture sa mga
mag-aaral sa isla ng Boracay ang Boracay PNP kaugnay sa ilegal na droga.
Ito mismo ay sa pangunguna ni SPO1 Christopher Mendoza,
PCR PNCO ng BTAC kung saan layun nila na mabigyan pa ng kaalaman ang mga
mag-aaral sa isla tungkol sa dahilan at epekto ng paggamit ng ilegal na droga.
Ayon kay Mendoza ang ginagawang "Symposium on Illegal
Drugs: Cause and Effects" sa mga estudyante ng Manomanoc High School ay
parte ng tinatawag na Drug Avoidance Resistance Education (DARE) Program.
Nabatid kasi na may mga kabataan na rin ngayon ang maagang
nalulong sa masamang bisyo na siyang nakaka-alarma dahil pinapasok na rin ng
mga ito ang masasamang gawain kagaya ng pagnanakaw o paggawa ng krimen.
Samantala, ang kampanyang ito ng BTAC ay malugod namang
tinanggap ng mga head teacher ng mga paaralan sa Boracay dahil sa may malaki umano
itong maitutulong sa kanilang mga estudyante.
No comments:
Post a Comment