Wednesday, August 31, 2016

Armas ng dalawang pulis na nagdala sa mag-asawang Odicta sa hospital, isinailalim sa paraffin test at ballistic examination

Posted August 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Paraffin test at ballistic examination.

Ito ang ginawang hakbang ni PSSUPT. John Mitchell Jamili Acting Police Director at Commander ng Special Investigation Task Group Odicta, sa mga armas ng dalawang pulis na nagdala sa mga biktima sa hospital para maging transparent at mawala ang pagdududa tungkol sa insidente.

Sa panayam ng YES FM Boracay kay SPO1 Nida Gregas, Public Information Officer ng Aklan, isinailalim na umano kahapon sa paraffin test at sa ballistic examination ang armas ng dalawang pulis kung saan naipadala na rin ang resulta nito sa Police Regional Office 6.

Nabatid na ang dalawang pulis ay parte ng Aklan Provincial Public Safety Company (APPSC) na siyang naghatid sa mga biktima sa hospital matapos ang pagbaril-patay sa mga ito nitong Lunes ng madaling araw sa Caticlan Jetty Port.  

Samantala, wala pa rin umanong ibang update hinggil sa itinuturing na napakalaking insidente na na may kaugnayan sa droga.

No comments:

Post a Comment