Tuesday, August 30, 2016

PNP, blanko pa rin sa gunman ng mga Odicta

Posted August 30, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Blanko pa rin ang kapulisan sa pagakakakilanlan ng suspek na bumaril at pumatay sa Iloilo Top Drug personalities na mag-asawang Melvin alyas “Dragon” at Merriam Odicta.

Ayon kay SPO1 Jaime N. Nerviol Jr, imbestigador ng Malay PNP, nangangalap pa rin sila ng lead para matukoy kung ilan at kung sino ang gunman sa nangyaring pamamaslang.

Dagdag pa nito, ngayong araw ay babalikan nila ang scene of the crime sa mismong pinangyarihan ng pamamaril sa port area ng Caticlan para ipagpatuloy ang pag-iimbestiga.

Sa press briefing naman kahapon, sinabi ni Malay PNP Chief PSI Mark Evan Salvo na walang kinalaman ang mga pulis sa nangyaring insedente taliwas sa akusasyon ng pamilya Odicta na umano’y buhay pa si
“Dragon” ng isinakay sa patrol car kung saan ikinagulat ng mga ito na Dead on Arrival na ito sa pagamutan.

Sa statement ng Aklan Police Provincial Office, posibleng mga dating illegal drug associates umano ni Odcita ang nagtrabaho para itumba ito pagkatapos ng pakikipagkita nito sa kay DILG Secretary Mike Sueno.

Ganunpaman, nangako ang pulisya na magsasagawa ang mga ito ng malalimang imbestigasyon para sa ikadarakip ng gunman.

Ang mag-asawang Odicta ay ini-uugnay sa Illegal Drug Trade sa Iloilo at itinuturing big time Drug Lord na nasa listahan ng PDEA-6.

No comments:

Post a Comment