Monday, August 29, 2016

Comelec Aklan patuloy parin ang paghahanda sa eleksyon sa kabila ng bali-balitang kakansilahin ito

Posted August 29, 2016                
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comelecSa kabila ng bali-balitang kakansilahin ang nalalapit na baranggay at SK election sa Oktobre nanatili paring naghahanda ang Commissions on Elections (Comelec) Aklan para rito.

Ayon kay Crispin Raymund Gerardo Public Information Officer, nag-aantay na lang umano sila ngayon ng batas na nagsasabing hindi ito matutuloy.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Gerardo na nasa-proseso na sila ngayon ng pagpipili ng magiging Board of Election Inspectors na magsisilbi sa eleksyon.

Samantala, ang schedule ng filling of certificate of candidacy sa mga magkakandidadto ay nakatakda lamang ng tatlong araw na magsisimula sa Oktobre 3 hanggang 5, 2016.

No comments:

Post a Comment