Monday, August 29, 2016

Ibat-ibang programa ng DTI Aklan nakalinya na

Posted August 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dtiBago magtapos ang taong ito ibat-ibang programa ang nakalinya na isasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan.

Ito ang inanunsyo ni Carmen Ituralde, DTI Provincial Director sa ginanap na regular na DTI meets the media nitong Huwebes.

Ayon kay Ituralde, ang kanilang mga nakalinyang aktibidad ay Skills training on Coco noir processing habang nakatakda naman ang Bagwis Program ng DTI kung saan kikilalanin ang mga establishments na maganda ang serbisyo sa mga konsumidor.

Meron din umano silang best feature story contest para sa mga estudyante kung saan ang kanilang ipi-feature ay ang mga negosyante na naging matagumpay sa tulong naman ng DTI, at ang Consumer quiz bee competition.

Ang DTI ang isa sa mga ahensya ng gobyerno na mayroong madaming proyekto sa pagtulong sa mga maliliit na negosyante at pag-papaunlad pa lalo sa kanilang pangkabuhayan.

No comments:

Post a Comment