Posted August 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinuna ngayon ni
Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero ang tungkol sa umano’y mga hindi
nahahakot at umaapaw na basura sa beachline ng Boracay.
Sa 9th Regular
Session ng SB sa bayan ng Malay kahapon, laman ng Privilege Speech ni Gallenero ang hinggil sa
mga basura na inaabot na daw ng alas-otso ng umaga ay hindi parin nahahakot ng
mga basurero o ng MRF truck kung saan malaki umano itong atraksyon lalong-lalo na sa mga turistang dumadaan.
Kaya naman nais
niya ngayong ipatawag sa susunod na sesyon ang Solid Waste Management Office sa
katauhan ni Engr. Arnold Solano.
Nais ni Gallenero
na kwestiyunin si Engr. Solano kung ano ang dahilan ng mga problema at kung paano
ito masusulusyunan dahil matagal na umano itong problema pero hanggang sa
ngayon ay hindi parin ito naaayos.
Sa kabila nito, nagbigay
rin ang ibang miyembro ng SB ng suhestyon na pwede rin umanong bumili ng Barge
para sa pag-transport ng mga basura papuntang Landfill sa bayan ng Malay para
mapabilis ang paghahakot ng mga tone-toneladang basura ng isla.
No comments:
Post a Comment