Posted September 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kabilang ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa
mga nabigyan ng bagong patrol motorcycle mula sa Philippine National Police
(PNP) national headquarters ayon sa Aklan Police Provincial Office (APPO).
Ito umano ay personal na ibinigay ni PNP chief Director
General Ronald “Bato” Dela Rosa sa ginanap na 115th Police Service anniversary
celebration na may temang“Hamon ng Pagbabago, Pinag-ibayong Serbisyo,” sa Iloilo City nitong nakaraang Biyernes.
Nabatid na kabilang ang BTAC at ang 17 municipal police
station sa probinsya na nakatanggap ng tig-iisang motorcycle kasama ang Aklan
Police Provincial Office at ang Provincial Public Safety Company.
Umabot umano sa 128 motorcycles ang naipamahagi sa police
unit sa Aklan, Capiz, Guimaras, Antique, at probinsya ng Iloilo pati na ang
Iloilo City.
Samantala, para naman sa Boracay PNP ang pagkakaroon ng
bagong patrol motorcycle ay malaki umanong tulong para sa pinalakas na
pagpapatrolya sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment