Posted
September 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Para maiwasan ang pagkakaroon ng Human Immuno Virus –
Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS), dapat obserbahan umano bawat
isa ang ABC laban dito.
Ang ABC ay tinatawag na “Abstinence, Be Faithful” sa
iyong kapareha, gumamit ng “Condom” at huwag gumamit ng “Drugs” batay sa
nilabas na anunsyo ng Provincial Health Office (PHO) Aklan.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng PHO-Aklan, mayroon umano
ngayong 81 Aklanon na nagkasakit ng HIV-AIDS mula Hulyo 1999 hanggang Hulyo
2016.
Sinabi nito na ang pag-iingat sa pakikipagtalik ng isang
tao sa pamamagitan ng pag-obserba sa nasabing mga panuntunan ay makakatulong ng
pagharang o makabawas sa pagtaas ng numero ng mga nagkakasakit nito.
Ang masyado umanong pakikipagtalik ang siyang dahilan ng
patuloy na pagdami ng nagkakasakit nito.
Nabatid na meron ng walong namatay sa AIDS sinula noong
1999 habang sa buong bansa ay patuloy
ang pagtaas ng numero ng nagkakasakit na umaabot sa 20% bawat taon ayon
pa kay Cuachon.
No comments:
Post a Comment