Wednesday, August 31, 2016

Gov. Miraflores ibinida ang mga proyekto ng gobyerno sa Aklan Press Club Induction

Posted August 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ibinida ni Governor Joeben Miraflores ang mga nakalinyang proyekto ngayong 2016 sa probinsya sa ginanap na Aklan Press Club Induction of Officers sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Miraflores, ito umanong taong 2016 ang mayroon silang madaming ipinagawa kagaya na lamang ng Kalibo-Banga road project,  pagpapa-ayos ng Provincial hospital at pagkakaroon ng eye center.

Maliban dito ilan pang imprastraktura sa probinsya ang ipapatayo ng kanilang administrasyon.

Sa Kabilang banda binanggit din nito ang napabalitang na-erlief siya sa Maynila na naging usap-usapan sa mga radyo kung saan nanawagan naman ito sa mga media na sana ay alamin muna ang totoo bago ibalita.

Samantala naging speaker naman sa naturang event ay si Chief Presidential Legal Council Atty.  Salvador Panelo na nag kwento naman kung paano niya napapayag na tumakbong Pangulo si Duterte.

No comments:

Post a Comment