Monday, July 18, 2016

2 lalaki sugatan sa ulo matapos tumangging makipag-inuman sa kaibigan

Posted July 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay         

Image result for alakSugatan ang ulo ng dalawang lalaki matapos umanong hampasin ng bote ng alak ng kanilang kaibigan dahil sa hindi nila ito pinagbigyang makipag-inuman sa kanya.

Sa report ng Boracay PNP, nasa loob umano ng kanilang boardinghouse sa Sitio Bantud Brgy. Manoc-manoc ang mga biktima na si Francis Froilan Estorca, 24-anyos at Nicole Bano, 23-anyos ng pinuntahan sila ng suspek na si Louie Calderon na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin at niyayang uminom sa labas.

Agad namang tumanggi ang mga biktima ngunit ikinagalit naman ito ng suspek dahilan para magkaroon sila ng mainitang diskusyon kung saan agad namang umalis ang huli.

Subali’t makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang suspek sa lugar na may dalang bote ng alak at dito niya hinampas sa ulo si Bano na tumama din kay Estorca dahilan para magtamo ito ng mga sugat.

Samantala, nakatakda namang magharap ang tatlo sa Barangay Justice System ng Manoc-manoc.

No comments:

Post a Comment