Posted
July 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pagkasira ng mga appliances, perwesyo sa mga turista at
mga negosyo, ilan lamang ito sa mga daing ng mga residente at stakeholders sa
Boracay dahil sa sunod-sunod na nararanasang brown-out sa isla.
Sa 3rd regular SB Session ng Malay nitong
Martes, hindi pinalagpas ni SB member Nenette Aguirre Graf sa kanyang privilege
speech ang sitwasyon ng operasyon ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa
isla.
Dahil dito naglabas ng motion si Aguirre na naglalayong
imbitahan ang service provider na National Grid Corporation of the Philippine
(NGCP) at ang distributor na AKELCO sa araw ng Martes para sa isasagawang imbestigasyon.
Ayon kay Aguirre nais niyang magkaroon ng presentasyon
ang Akelco tungkol sa kanilang mga plano para sa Boracay at kung bakit nga ba
nangyayari ang sunod-sunod na brown-out.
Nabatid kasi na patay-sindi ang ilaw sa Boracay na siyang
dahilan ng pagkasira ng mga appliances lalo na pagsapit ng gabi kung saan buhay
na buhay ang negosyo sa isla.
No comments:
Post a Comment