Tuesday, July 19, 2016

Mga nakatambay na Habal-Habal sa Manoc-manoc station 3 ipinapatanggal

Posted July 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Boracay mainroad
Mistulang nakakasanayan na ng mga motorsiklo partikular ng mga Habal-Habal driver ang tumabay tuwing gabi sa Manoc-manoc station 3 o sa crossing mangrove.

Ayon kay Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Office of the Mayor ng Malay sa meeting kahapon para sa re-routing plans, madami na umano kasing nagrereklamong kabahayan sa lugar na nakaka-istorbo ang mga naturang sasakyan lalo tuwing hating gabi.

Maliban dito nagreresulta din ito ng trapik tuwing araw sa nasabing area lalo na at magiging one-way na ito ngayon dahil sa mainroad construction hanggang sa buwan ng Agosto.

Ang natura namang kalsada papasok ng mangrove ay gagamitin ngayon bilang one-way ng mga sasakyan na manggagaling sa Lugutan palabas ng mainrad Manoc-Manoc.

Samantala, nakiusap naman si Aguirre sa lahat na magtulungan para sa gagawing re-routing para sa ikakaayos ng isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment