Wednesday, July 20, 2016

Total drug surrenderees sa bayan ng Malay, umabot sa 256

Posted July 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for say no to drugsUmabot sa 256 ang mga sumukong drug personalities sa bayan ng Malay na kinabibilangan ng pusher at drug user.

Nabatid na kahapon na araw nalang ang ibinigay na ekstensyon sa mga pulis para mahuli ang lahat ng mga nasa drug watchlist ng mga ito.

Ayon kay Malay PNP Police Senior Inspector Frensy Andrade, nasa 1 percent naman ang bilang ng mga sumukong babae na kabilang sa kanilang drug watch list.

Sa kabila nito, ilan umano sa mga drug surenderees sa kanilang watch list ay hindi na ngayon makita dahil sa karamihan umano sa mga ito ay mga dayo lamang.

Samantala, sinabi pa ni Andrade na mas marami ang bilang ng mga sumukong drug personality mula sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment