Wednesday, July 20, 2016

Japanese national, sinuntok ng turistang lalaki

Posted July 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagpasaklolo ang isang Japanese national sa Boracay PNP station matapos itong sinuntok ng turistang lalaki sa kanilang hotel na tinutuluyan sa Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Yoshinori Shigeyma, 35-anyos habang ang ine-rereklamong suspek naman ay si Paul Edward Gonzales, residente ng Nueva Ecija.

Sa report ng biktima sa mga pulis, pinuntahan umano siya ng suspek sa kanyang kwarto at nag-usap sila tungkol sa perang ibibigay nito sa suspek.

Subali’t nagkaroon umano sila ng mainitang diskusyon dahilan at sinuntok ng suspek ang likod na parti ng ulo ng biktima.
Nabatid, na tungkol umano sa itatayong negosyo ng dalawa ang dahilan kung bakit hindi nagkaintidihan ang mga ito sa kanilang pag-uusap.

Dahil dito, ay minabuti ng biktima na isumbong sa Boracay PNP ang nangyaring insidente kung saan ini-refer naman sila ngayon sa Brgy. Justice System ng Balabag para sa kanilang pag-aayos.


No comments:

Post a Comment