YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 18, 2016

Re-routing plans sa Manoc-manoc Boracay, inilatag na

Posted July 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay      

Image result for road reblockingSa darating na susunod na linggo inaasahang sisimulan na ang re-routing sa Manoc-manoc station 3 para bigyang daan ang Sewerline Network Project ng BIWC.

Sa isinagawang meeting kaninang hapon para dito, pinangunahan ni Rowen Aguirre Executive Assistant IV ng Office of the Mayor ang mga planong re-blocking sa mga area na may ginagawang construction sa mainroad partikular sa Manoc-manoc.

Sa napagkasunduang plano ang mga sasakyang manggagaling sa Cagban o sa ibang area ng nasabing Brgy. ay kinakailangang lumiko sa AKY diritsong mangrove area, Laketown, Balabag proper na papuntang Yapak.  

Ang mga galing namang Yapak at Balabag ay kailangan lamang diritsuhin ang mainroad papuntang Manoc-Manoc kung saan magkakaroon ng one-way sa pagitan ng Boracay Tropics hanggang sa area ng Paradise Garden.  

Maliban dito 2-way naman ang Manoc-Manoc mainroad hanggang E-Mall area, habang ang mga galing sa Cagban na papuntang Boracay Regency area, PCTV at D-Talipapa mula station 3 ay kailangang dumaan sa AKY, Lugutan o Mangrove area likong laketown at balik sa mga nabanggit na lugar sa mainroad Balabag.  

Nabatid na inaasahang magtatagal ang sistemang ito hanggang sa unang linggo ng buwan ng Agosto kung saan mamadaliin rin ng BIWC ang pouring period para mabilis na maibalik ang normal na sistema ng biyahe ng mga sasakyan sa Boracay.

Samantala, ang sino man umanong hindi susunod sa ipinag-uutos na ito ng LGU ay maaaring hulihin ng mga itinalagang MAP member sa bawat area kasama na ang mga kapulisan.

No comments:

Post a Comment