Posted July 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
“Iwas dito, iwas doon.”
Ganito ang kadalasang ginagawa ng mga sasakyan sa mga
sira-sira at butas-butas na mga kalsada sa isla ng Boracay.
Sa isang pulong nitong Lunes sinabi ni Executive
Assistant II Rowen Aguirre ng Office of the Mayor na aayusin nila ito kasabay
ng re-routing upang hindi na maabala ang mga motorista.
Nabatid kasi na isa sa mga problema sa Boracay ay ang mga
sira-sirang kalsada na siyang nagpapabagal sa mga sasakyan hanggang sa
magkakaroon ng trapiko.
Kaugnay nito nakipag-ugnayan naman si Aguirre sa Boracay
Island Water Company (BIWC) para sa gagamiting bakal na pantakip sa aayusing
kalsada upang tuloy-tuloy paring magamit ang daan kahit hindi pa tuyo ang
semento.
Samantala, ang re-routing ay magsisimula na ngayong
Martes at inaasahang magtatapos hanggang sa ikalawang linggo ng Agosto.
No comments:
Post a Comment