Tuesday, July 19, 2016

Dalawang lalaking may kasong kriminal, bulontaryong sumuko sa Boracay PNP

Posted July 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay   
     
Image result for wantedBulontaryong sumuko ang dalawang lalaking may kasong Crime of Reckless Imprudence Resulting in Homicide kahapon sa Boracay PNP.

Nakilala ang mga suspek na sina Rene Boy Batianco, 30-anyos ng Negros Occidental at Ivan Tabuna, 31-anyos na kapwa naninirahan sa isla ng Boracay.

Ang naturang kaso ay inisyu ni Honorable Judge Maribel De Guia-Cipriano, ng 5th Municipal Circuit Trial Court, 6th Judicial Region, Buruanga-Malay, Buruanga, Aklan na may petsang May 18, 2016.

Nagkakahalaga naman sa P30, 000 ang piyansang inilaan sa bawat akusado para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng Boracay PNP station at nakatakdang iturn-over sa korting nasasakupan.

No comments:

Post a Comment