Wednesday, July 20, 2016

Vendors at mga naka-parking na sasakyan sa Bloomfield area sa Balabag, lilinisin

Posted July 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bloomfield boracay
Hindi maikakaila na ang mga vendors at mga naka-parking na sasakyan ang isa sa mga dahilan kung bakit mabigat ang daloy ng trapiko sa Bloomfield area sa Balabag, Boracay.


Dahil dito nakatakdang ipagbawal ang mga ito simula Lunes para na rin sa pagsisimula ng ipapatupad na re-routing na siyang magbibigay daan sa mainroad construction ng BIWC para sa kanilang Sewerline Network Project.

Sa isang pulong sinabi ni Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Office of the Mayor ng Malay na magtutulungan sila ng Boracay PNP para mapaalis ang mga nasabing vendor at mga nakatambay na sasakyan sa lugar.

Maliban dito ipagbabawal din ang kahit anumang delivery sa one-way na kalsada na siyang resulta rin ng pagkakaroon ng trapik at ang pagtalaga ng loading at unloading sa mga mag-aaral sa mga paaralan.

Ang re-routing ay inaasahang magsisimula sa susunod na linggo para bigyang daan sa ang mainroad construction ng BIWC na inaasahang matatapos ngayong unang linggo ng Agosto.

No comments:

Post a Comment