Monday, July 18, 2016

Kaso ng dengue sa probinsya patuloy ang pagtaas

Posted July 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for DENGUEHindi maikakaila na patuloy na tumataas ang kaso ng dengue sa probinsya base sa pinakahuliung bilang na may 525 mula Enero hanggang Hulyo 12, 2016.

Ito ang naitalang record ng Aklan Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit (APESRU) kung saan nagpapakita na ang kaso ng dengue sa probinsya ay tumaas ng 130.26% kumpara noong nakaraang taon na may 228 mga kaso.

Napag-alaman na ang bayan ng Kalibo ang siyang may naitalang pinakamataas na kaso ng dengue na may 106; sinundan ng Malay may 48 kaso; Banga 42; at Ibajay 39 habang ang ibang bayan ay mayroon lamang maliliit na kaso.

Dahil dito muling nananawagan si Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, Jr. sa publiko na dapat maging malinis sa kanilang paligid at gayon din sa mga magulang na dapat ay hindi nila pabayaan ang dalawang araw na lagnat ng kanilang mga anak, at ito ay dapat dahlin sa pinakamalapit na pagamutan.

No comments:

Post a Comment