Wednesday, March 23, 2016

BFP Boracay, may paalala sa mga magbabakasyon ngayong Semana Santa

Posted March 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Doble paalala ngayon ang Bureau of Fire Protection Unit (BFP) Boracay sa mga magbabakasyon ngayong Semana Santa.

Ayon kasi kay Fire Officer 3 Oscar Deborja ng BFP Boracay, dapat umanong mag-doble ingat ang publiko lalong-lalo na sa kanilang bahay na maiiwan pag-sila ay magbakasyon kung saan sinabi nito na dapat i-off ang main switch ng kuryente para maka-iwas sa sunog.

Bilin pa ni Deborja sa mga residente na ipag-bigay alam sa kanilang mga kapitbahay kung sila ay aalis upang ng sa ganon ay malaman na walang tao at mabantayan din nila ito.

Kaugnay nito payo naman niya sa mga babyahe gamit ang kanilang sasakyan ay i-double check muna ang battery at gasolina bago ito gamitin upang maka-iwas nadin sa disgrasya.

Samantala, naka-red alert din ang kanilang himpilan para sa seguridad ng tao ngayong Semata Santa sa Boracay.

No comments:

Post a Comment