Wednesday, March 23, 2016

Fruit vendor na lola sa Boracay, ninakawan

Posted March 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftNanlumo na nagsumbong sa mga pulis ang isang lola na nagbebenta ng prutas sa Boracay matapos itong pagnakawan sa harap ng Pawnshop sa Brgy.Balabag, Malay, Aklan kagabi.

Nakilala ang biktima na si Dignidad Dalida 77-anyos residente ng Brgy. Fulgencio, Balete, Aklan at temporaryong nakatira sa Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Sa report nito sa Boracay PNP, iniwan niya umano ang kanyang bag sa kanyang stall na nag-lalaman ng mga importanteng ID at cash na nag-kakahalaga ng P 4, 000.

Napag-alaman na sa pag-iimbestiga ng mga pulis sa lugar ay iniwan umano ng biktima ang kanyang bag para umihi ngunit sa pagbalik nito wala na ang kanyang bag at tinangay ng sinasabing magnanakaw.

No comments:

Post a Comment