Monday, March 21, 2016

Apatnapung libong turista inaasahan ngayong Holy Week sa Boracay

Posted March 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boracay holy weekTinatayang apatnapung libong turista ang inaasahang magbabakasyon ngayong Holy Week sa isla ng Boracay simula ngayong Lunes.

Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant Kristoffer Leo Velete, nagkaroon umano sila ng meeting kamakailan kasama ang mga security groups sa isla, stakeholders at LGU Malay.

Sinabi nito na malaki ang kanilang inaasahang buhos ng turista dahil sa mga karagdagang flights ngayon sa Caticlan Airport gayon din sa Kalibo International Airport.

Samantala, inaasahang mapupuno na naman ng maraming tao ang buong beach area ng Boracay sa kabila ng pagbabawal ng mga party o mga tugtog sa araw ng Huwebes Santo at Biyernes Santo.

No comments:

Post a Comment