Posted March 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na naman ngayong nag-paalala ang LGU Malay partikular
ang tanggapan ng Sangguniang Bayan ng Malay sa resolusyon na "No Party on
Good Friday" ngayong Semana Santa.
Ayon kay Malay SB Secretary Concordia Alcantara, bawal
ang pagpapatugtog ng musika o maiingay na aktibidad sa Biyernes Santo.
Base sa inilabas na SB Resolution No. 015 Series of 2009,
epektibo itong ipapatupad simula ala-6:00 ng umaga sa Biyernes hanggang
alas-6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria o Black Saturday.
Kaugnay nito, inulit naman ng LGU Malay ang panagawang hindi
sila maglalabas o mag-iisyu ng permit para sa anumang aktibidad na nakakalikha
ng ingay sa panahon ng pagninilay ngayong Biyernes Santo.
Sa kabila nito, aktibo parin sa aktibidad ang isla
hanggang sa Huwebes Santo kung saan inaasahan ang libo-libong turistang
magbabakasyon sa Boracay.
Samantala, pinayuhan naman ng mga kinauukulan ang mga magbabakasyon
na alalahanin parin ang sakripisyo ng Panginon ngayong Holy week sa kabila ng
kanilang kasiyahan sa long weekend vacation.
No comments:
Post a Comment