Monday, March 21, 2016

Dating Supervisor ng isang resort sa Boracay, huli sa kasong Estafa

Posted March 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaHuli sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis ang isang dating Supervisor ng isang resort sa station 2 Balabag, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, nakilala ang nag-rereklamong si Ruben Fuentes 47-anyos, Manager ng resort habang ang suspek ay nakilala namang si Glorylyn Capangpangan 27-anyos ng Talaytay, Argao, Cebu.

Nabatid sa report na ginagamit ng suspek ang pangalan ng kanilang kumpanya para sa pag-tanggap ng online booking at walang pahintulot mula sa naturang resort, kung saan ang iba umanong guest ay nagbayad na ng partial na ngayon ay inirereklamo ang kanilang kumpanya.

Samantala, nakuha naman sa suspek ang pera na nakolekta nito mula sa mga guest sa isinagawang entrapment operation sa isang restaurant sa Balabag, Boracay.

Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang naka-kustudiya sa lock-up cell ng Boracay PNP para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment