Monday, March 21, 2016

Wanted sa kasong pagpatay sa Batangas, arestado sa Boracay

Posted March 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for wantedHindi na nakapumiglas pa ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay sa Batangas matapos itong mahuli sa Cagban Jetty Port Brgy. Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan kahapon.

Nahuli ang suspek na si Alvin Casanova 33-anyos isang driver at nakatira sa Sitio Bantud ng nasabing Brgy. ng pinagsamang pwersa ng Numancia PNP, Sta. Terisita MPS, Batangas PPO at ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Nabatid na ang suspek ay may Criminal Case No. 27-2010 na may bisa ng Presiding judge na si Juanita Areta 4th Judicial Region Branch 85 Taal, Batangas noong Pebrero 9, 2011.

Samantala, wala namang inilaang piyansa para sa suspek, na ngayon ay pansamantalang naka-kustuditya sa Numancia PNP habang nakatakdang i-turn over sa nasabing korte.

No comments:

Post a Comment