Monday, March 21, 2016

Red Cross Boracay Malay Chapter mayroon ng 11 certified swimming Instructors

Posted March 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Photo Credit by: Jay Pee
Masaya ngayon ang Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter dahil sa pagkakaroon nila ng 11 certified swimming instructors.

Ayon kay PRC Deputy Administrator John Patrick Moreno, lahat umano ng mga lifeguard sa Boracay ay sumubok sa isinagawang training nitong nakaraang linggo sa Boracay kung saan labin isa rito ang binigyan ng certificate at pito naman ay nabigyan ng lisensya.

Dahil dito certified na umano silang magturo sa larangan ng paglalangoy kung saan sinanay pa umano ang mga ito ng mga professional lifeguards mula sa PRC chapter ng National headquarters, Ormoc City Chapter, Capiz Chapter at Iloilo Chapter.

Samantala sa ngayon ay patuloy naman ang kanilang isinasagawang meeting sa pagbibigay ng mga rules and regulation ng lifeguards at bilang paghahanda narin ngayong Super Peak Season sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment