Tuesday, March 22, 2016

Lalaking wanted sa kasong child abuse sa Naga City, arestado sa Boracay


Posted March 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for arrestedArestado ngayon ang isang lalaking wanted sa kasong child abuse sa Naga City sa Sitio Ambulong Brgy. Manoc-manoc kagabi.

Nakilala ang naarestong si Rodolfo Narido 28-anyos residente ng Cadlan Pili, Camarines Sur at temporaryong nakatira sa nasabing Brgy.

Sa report ng Boracay PNP, nahuli ang suspek na may kasong Violation of RA 7610 o child abuse at may criminal case no. RTC 2015-0049 na inisyu ni presiding judge Erwin Virgilio Ferrer ng 5th judicial Region branch 20 ng Naga City at may petsang Pebrero 6, 2015.

Samantala, nagkakahalaga naman ng P80, 000 ang inilaang piyansa ng korte para sa kanyang pasamantalang kalayaan na ngayon ay nasa kustudiya pa ng Boracay PNP at nakatakdang i-turn over sa nasabing korte.

No comments:

Post a Comment