YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 21, 2016

Ordinansa sa mga nag-aalaga ng mga aso sa Probinsya ng Aklan, aprobado na

Posted March 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ordinansa sa mga asoInaprobahan na ang ordinansa para sa mga nag-aalaga ng aso sa Probinsya ng Aklan sa ginanap na 9 th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan nitong Miyerkules.

Itoy alinsunod sa ipinasang ordinansa na ang mga sponsor ay sina Hon. Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz, Hon. Nelson Santamaria at ang Co-sponsor nitong si Hon. Ramon Gelito at Hon. Lilian Tirol.

Samantala ang nasabing ordinansa ay pinamagatan “ An ordinance Prescribing Rules, Regulation, And Control Measures In The Movement of Domesticated Animals Particularly Dogs And Strictly Banning The Staying/Roaming of The Same In Streets And All Other Public Places In The Province of Aklan  And Penalizing Owners Thereof For Its Violation.

Kaugnay nito nakapaloob dito ang mga patakaran para sa mga may-ari ng aso at ang kanilang magiging penalidad sakaling sila ay may nilabag na kautusan sa ordinansa kabilang na ang pagpapabaya sa mga aso na pagala-gala.

No comments:

Post a Comment