Posted March 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit to Altavistaboracay.com |
Isa sa tinututukan ngayon ng Department of Tourism (DOT)
ay ang marketing and promotion sa ibang bansa ng isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ni DOT Boracay Sub-Office Tourism
Assistant Kristoffer Leo Velete, sa panayam ng himpilang ito.
Ayon kay Velete, nagbigay umano sa kanila ng advice si
DOT Regional Director Helen Catlabas na hikayatin ang mga turista sa ibang
bansa na subukan ang mag-bakasyon sa isla ng Boracay.
Sinabi pa nito na isang daang porsyento naman ang
kanilang ginagawang promotion sa labas ng bansa para sa Boracay.
“hamon din ito sa DOT na e-promote pa ang isla ng Boracay
sa mga bansa na hindi pa ito masyadong kilala”ani Velete.
Samantala, hinihikayat naman ng nasabing departamento ang
publiko na mag-post ng mga magagandang larawan ng Boracay sa social media para
mahikayat ang mga dayuhan na pumunta sa nasabing isla.
No comments:
Post a Comment