Thursday, September 17, 2015

Municipal Ordinance ng Malay inisa-isa sa mga Law enforcers sa Boracay

Posted September 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsama-sama sa Orientation and Presentation of Output on Peace, Order and Security (POS) of Force Multiplier ng Boracay Action Group at ng Municipal Tourism ang mga law enforcers sa isla.

Dito isa-isang tinalakay ang lahat ng ordinansa ng Malay para sa isla ng Boracay lalo na ang sa front beach area kasama na ang pagpapatupad ng maayos na seguridad.

Ilan sa mga ordinansa para sa Boracay ay ang tungkol sa pagbabawal sa prostistusyon, smoking ordinance, pagkakalat ng basura, pag-regulate sa pagawa ng sand castle kasama na ang pag-regulate sa Activities ng Vendors, Peddlers, Ambulant Masseurs at Manicurist sa Boracay.

Kabilang din dito ang M.O sa pag-regulate sa aktibidad ng Mobile Photographers Practicing their Trade o Calling sa Territorial Jurisdiction ng Malay, Fire Dancing Shows, at ang ordinansa na nag-dedeklara na ang Boracay ay isang Noise Sensitive Zone, Operation ng Foreign at Local Tour guide, Tour Leaders, Tour Coordinators at Seasonal Foreign Workers.

Samantala, kasama sa nasabing aktibidad ang Municipal Auxiliary Police, Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) Salaam Police, PNP, PCG at iba pang volunteer sa isla.

Ang naturang Orientation at Presentation ay dinaluhan naman ni Hon. John Yap, Island Administrator Glen Sacapaño, Com Leonard Tirol ng PCGA Boracay at BAG Adviser, BFI President Jony Salme at Mike Labatiao ng Boracay Life Guard.

No comments:

Post a Comment