Posted September
16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Napiling mag-host ang bayan ng Kalibo para sa Executive
Committee Meeting cum Advocacy and Action Planning of the Inter-Agency Task
Force-Child Labor, Illegal Recruitment and Trafficking in Person.
Dito napag-usapan ang tungkol sa illegal recruitment at
child labor na isa sa mga pangunahing layunin ng mga munisipalidad na masugpo
ang nasabing problema.
Dito nagbigay ng kanyang mensahe si Mayor Rolando B.
Distura ng Dumangas, Iloilo tungkol sa kung paano nila nilaban ang illegal
recruitment at child labor sa kanilang lugar.
Nabatid na talamak ngayon ang illegal recruitment sa
bansa kung saan isa ito sa ikinakabahala ng Local Government Unit kung kayat
gumagawa sila ngayon ng hakbang para ito ay matigil na.
Samantala, kabilang sa mga dumalo sa Executive Committee
Meeting ay ang ibat-ibang national government agencies kabilang na ang Department
of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Department
of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development
(DSWD), Prosecutor’s Office, Civil Aviation Authority of the Philippines
(CAAP), Bureau of Immigration (BID), Overseas Workers Welfare Administration
(OWWA) at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment