Posted September 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pabor umano ang mga bar owners sa “Oplan Operation Bakal”
na ipinapatupad ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa isla.
Ito’y matapos ang lingguhang operasyon ng mga pulis sa
mga disco bar sa buong isla ng Boracay tuwing Biyernes at Sabado ng gabi.
Ayon kay Chief of Operation Section Police Inspector Joey
Delos Santos ng Boracay PNP, nag-papaalam naman umano sila sa mga may-ari ng
bar bago sila magsagawa ng nasabing operasyon.
Dito umano nila ini-inspeksyon isa-isa ang mga customer para
malaman kung may dala ang mga itong ipinagbabawal na patalim o baril sa mga
bar.
Samantala, wala pa naman umanong silang nahuhuling mga customer
na may dalang mga nasabing ipinagbabawal na patalim.
Nabatid na kung sino ang mahuhuli nagdala ng armas katulad
ng kutsilyo ay maaaring makasuhan ng Batas Pambansa at kung baril naman ay
makakasuhan ito ng Illegal Possession of Firearms.
No comments:
Post a Comment