Posted September
14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ilang Foreign Tourguide na sinasabing illegal ang
nasampulan ngayon ng Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) sa Boracay.
Ayon kay Tourism Regulations Enforcement Unit Head Wilson
Enriquez, tinikitan nila ang mga foreign tourguide na hanggang ngayon ay hindi
pa nakakapag-proseso ng kanilang mga dokumento sa LGU Malay.
Sinabi ni Enriquez na noong Pebrero pa dapat sila ng
proseso ng kanilang mga permit ngunit hanggang ngayon ay wala pa umano ang mga
itong pinanghahawakang mga papel para masabing legal ang kanilang operasyon sa
isla ng Boracay.
Dagdag nito tinitikan nila ng dalawang libo at limang
daan ang mga illegal tour guide na kanilang mahuhuling nagsasagawa ng operasyon
bilang first offense.
Samantala, maliban sa mga foreign tour guide sakit din
umano sa ulo ang mga coordinator na wala ring permit ngunit patuloy pa ring
nag-ooperate sa Boracay.
No comments:
Post a Comment