Posted September 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ibinida ng mga Aklanon ang ibat-ibang produkto sa
probinsya kabilang na ang mga pagkain katulad ng delicacies sa Tinda Turismo sa
Capitol Ground Kalibo Aklan.
Ito ay bahagi parin ng nagaganap na 4th year Aklan
Tourism Week na nagsimula nitong Lunes at magtatapos naman ngayong araw ng
Sabado.
Ang Tinda Turismo ay binuksan kahapon hanggang ngayong
araw kung saan makikita sa area ng capitol ang produktong ipinagmamalaki ng mga
Aklanon at pagkain na sa probinsya lang matitikman.
Ayon sa Aklan Provincial Tourism Office ang Tourism Week
umano ay sa pakikipagtulungan sa Aklan Tourism Officers Association (AkTOA)
kung saan nasa apat na taon na nila itong isinasagawa.
Maliban sa Tinda Turismo tapos na rin umano ang Tourism
Quiz Bee na nilahukan ng mga estudyante at Bisikleta Karera.
Samantala, kabilang sa mga aktibidad ng Tourism week ang Sabor
Aklan Cooking Challenge, Tourism Awareness Seminar, CSR Activity at AkTOA
Fellowship.
No comments:
Post a Comment