Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil dito makakakuha ang Malay ng Php 3,000,000.00 na
Performance Challenge Fund (PCF) na mula sa nasabing ahensya na gagamitin para
sa kanilang proyekto.
Sa SB Session ng Malay kanina, mapupunta umano ang
nasabing pera sa mga proyektong pang-turismo ng Malay kabilang na rito ang
paglalagay ng mga street lights.
Nabatid na ang Malay kasama ang bayan ng Banga, Ibajay at
Provincial Government ng Aklan ay nakapasa sa 2015 Seal of Good Local Governance mula sa assessment
na isinagawa noong 2014.
Samantala, ang Provincial Government ay nakakuha naman ng
Php 7,000,000.00 na siya namang gagamitin para sa ibat-ibang proyekto ng
probinsya.
No comments:
Post a Comment