Monday, September 21, 2015

Mga hotel at establisyemento sa Boracay, maglalaban-laban sa First Aid Olympics ng PRCNi

Posted September 21, 2015
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Muling magpapakitang gilas ang mga empleyado ng mga hotel at business establishment sa Boracay pagdating sa pagsagip ng buhay.

Ito’y dahil sa ikalawang taong First Aid Olympics ng Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter na gaganapin sa Setyembre 28 sa beach area ng isla.

Ayon kay Nurse at Focal Person Christine Tejada mahigit sa 16 umanong mga grupo ang sasali sa nasabing palaro mula sa ibat-ibang hotel at enforcers sa Boracay. 

Dito paglalabanan ng mga kalahok kung paano ang tamang proseso ng Cardio Pulmonary resuscitation (CPR), Relay at pag-rescue sa mga nalulunod.

Sinabi pa ni Tejada na ang nasabing Olympics ay kasabay ng First Aid Month ngayong Setyembre.

2 comments: