Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos na makailang beses niyang gisingin ang
biktimang si Jonathan Delacruz, 39-anyos na nauna niyang nakitang natutulog
ngunit ikinagulat nitong wala ng buhay ang biktima.
Sa ginawang imbestigasyon ng Boracay PNP, tinangka
umanong gisingin ni Rodolfo Villanueva ang biktima ngunit wala na umano itong
imik.
Dito mabilis namang tinawag ni Villanueva ang kanyang
engineer at doktor ngunit hindi na umano ito nailigtas pa at agad na
idinikalara na patay bandang ala-6:50 kaninang umaga.
Nabatid na Cardio arrest ang sanhi ng ikinamatay ng biktima
base sa sumuring doktor.
Si Jonathan Delacruz, ay tubong Hinoba-an, Negros
Occidental at nag-tratrabaho bilang construction worker sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment