Monday, September 14, 2015

Bomb awareness seminar, nais ipatupad ng Philippine Army sa Boracay

Posted September 12, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nais ngayong ipatupad ng Philippine Army (PA) sa isla ng Boracay ang bomb awareness sa mga resort at establisyemento sa isla.

Ayon kay Executive Officer Captain Niño Tornalejo ng Philippine Army sa Boracay, nakatakda umano silang makipag-ugnayan sa Local Government Unit ng Malay para mag-conduct ng nasabing awareness seminar.

Sinabi ni Tornalejo na kailangan umano nilang ma-inform ang publiko lalo na ang mga security guard sa Boracay tungkol sa mga bomba lalo na at ibat-ibang tao ang pumapasok sa isla.

Layun umano nito na malaman ng mga security kung ano ang ibat-ibang klase ng bomba at para malaman din nila kung anong klase ang peke o hindi.

Nabatid na si Tornalejo ang bagong kakaupong Executive Officer ng Philippine Army sa Boracay kapalit ni Captain Oliver Berneza.

No comments:

Post a Comment