Posted September 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umarangkada na ang Oplan Katok ng Philippine National
Police (PNP) sa mga kabahayan sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Kalibo acting police chief Superintendent
Pablito Asmod Jr. patuloy umano ang kanilang ginagawang pagbahay-bahay para
bigyang paalala ang mga gun-owners tungkol sa expired firearm registrations.
Sinabi ni Asmod na ang Oplan Katok ay pinapangunahan ng
Kalibo police at ng Aklan Public Safety Company kung saan dito sila nagbibigay
paalala sa mga gun owners na e-renew o e-register ang kanilang mga baril para
hindi ito makonsidira bilang loose firearms.
Ang Oplan Katok ay isang kampanya na isinasagawa sa buong
bansa para mabawasan ang bilang ng loose firearms, kung saan kalimitan itong
ginagamit ng mga kriminal sa paggawa ng krimen.
No comments:
Post a Comment