Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Meron ng bagong itinalagang bagong Chief of Police ang
isla ng Boracay sa katauhan ni Superintendent Danilo Delos Santos mula sa
siyudad ng Iloilo.
Ito ay matapos ang isinagawang pinakabagong revamp o
pagbalasa sa mga opisyal ng Aklan Police Provincial Office o APPO.
Nabatid na si Delos Santos ay dating head ng Aklan
Provincial Intelligence Branch bago ipinalit
kay Senior Inspector Frensy Andrade bilang OIC o officer-in-charge ng
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na nanungkulan sa loob ng anim na
buwan.
Ayon naman kay Delos Santos, makikipag-coordinate siya sa
mga local, brgy. Officials at force multipliers sa anti-criminality campaign sa
isla kung saan proyoridad din umano nito ang seguridad ng mga turista at mga
residente sa Boracay.
Samantala, nakatakdang mamuno si Delos Santos ngayong
linggo kung saan tinanggap nito ang hamon ni Provincial director Senior
Superintendent Iver Apellido nito lamang Hulyo 28.
Si Delos Santos ay nagmula sa Iloilo City matapos
maitalagang chief of police ng San Rafael police station, Estancia, San
Dionisio at Molo police station bago ma-assigned sa probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment