Tuesday, July 28, 2015

PHO at DOH magiging katuwang ang Aklan PPO sa kampanya laban sa HIV

Posted July 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for aklan provincial police office
Magiging katuwang ng Provincial Health Office ng Aklan at ng Department of Health (DOH) ang Aklan Provincial Police Office (APPO) para sa kampanya laban sa HIV, STI, STD sa probinsya.

Ito ay sa pangunguna ng Aklan PPO Public Information Office at Police Community Relations Branch kung saan dumalo ang mga ito sa isinagawang meeting para sa World Aids Day 2015 na inorganisa ng Provincial Health Office.

Nabatid na ang buong council ay may layunin na mapalawak ang kampanya para maiwasan ang paglaganap ng karamdaman na HIV, STI, STD at iba pang nakakamatay na sakit.

Maliban dito ang iba pang mga programa ng Aklan PPO ay ipinapaabot sa mga mamamayan sa probinsya sa pamamagitan ng radyo at social media.

Samantala ipagdiriwang naman ngayong buwan ng Disyembre ang Worlds Aids Day na may layuning ipalaganap ang kaalaman sa lahat ng mamamayan at kung paano maiiwasan ang naturang mga karamdaman.

No comments:

Post a Comment