Wednesday, July 29, 2015

LGU-Malay, ipinagmalaki ang tagumpay ng CBTMPC bilang isang kooperatiba

Posted July 29, 2015
Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay

Kinikilala ngayon ang Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative o CBTMPC bilang pinakamayamang kooperatiba sa bansa sa isinagawang 1st Transport Congress.

At bilang patunay na sila ay namamayagpag, isang ground breaking ceremony ng panibagong 3-storey commercial building kung saan ay balak itayo ng nasabing kooperatiba sa susunod na buwan ng Agosto.

Pinangunahan ni Malay Mayor John Yap ang seremonya kasama ang ilang opisyales ng bayan ng Malay, mga kawani at miyembro ng CBTMPC at ng Baranggay Council ng Caticlan.

Sa isang mensahe, ipinagmamalaki ni Mayor Yap ang narating ng CBTMPC at natutuwa ito sa tagumpay ng kooperatiba.

Dagdag pa nito na sa kabila ng tagumpay ay kailangan pa ring harapin ang ilang mga challenges dahil importante ang kapakanan ng mga turista kung saan dito kumukuha ng pangkabuhayan ang mga miyembro.

Pinasalamatan naman ni CBTMPC Chairman Godofredo “Goding” Sadiasa ang lahat ng kasamahan nito sabay sabi na ang tagumpay ng isang kooperatiba ay nakasalalay sa kooperasyon ng mga miyembro at hindi sa mga namumuno lang.

Ang CBTMPC ay may mahigit sa tatlong libong miyembro na maliban sa sea and land transport operation ay pinasok na rin ang micro-financing at iba pang negosyo.

No comments:

Post a Comment