YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 29, 2015

Proyekto ng Malay Water District ibinida sa SB Session ng Malay

Posted July 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Water DistrictIbinida ni Interim General Manager Rei Bernardo ng Malay Water District (MWD) ang kanilang proyekto na “Water Supply Improvement Project of Malay” sa SB Session nitong Martes.

Ito ay matapos siyang dumalo sa ika-26th Regular Session kasama ang siyam na punong brgy. na kabilang sa naturang proyekto na kinabibilangan ng Poblacion, Balusbus, Motag, Cogon, Sambiray, Cubay Norte, Cubay Sur, Argao at Caticlan.

Ayon kay Bernardo ang kanilang ginagawang proyekto ngayon ay para ma-upgrade ang MWD, ma-improve ang water quality, ma-increase ang water supply at system pressure.
Layunin din umano ng kanilang mga proyekto ay para makamit ang 24/7 service para sa lahat ng residente sa nasabing bayan kung saan may benipisyo din umano itong 24/7 potable drinking water.

Samantala, ang natitirang umanong brgy. sa mainland Malay ang siya namang isusunod sa nasabing proyekto upang lahat ay patas na mabigyan ng suplay na tubig.

Sa kabilang banda ilang residente naman ang nagrereklamo dahil sa tuwing umaga umano ay kulay putik ang inilalabas na tubig sa kanilang gripo at hindi maganda ang amoy na talaga namang ikinais ng mga ito lalo na ang may pasok sa trabaho at paaralan.

1 comment: