YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 30, 2015

DOH nagtayo ng TB Satellite Treatment Center sa probinsya ng Aklan

Posted July 30, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Satellite Treatment Center for tBHindi na kailangang magtungo pa ang mga Aklanon na may Multi-Drug Resistant (MDR) Tuberculosis sa katabing probinsya ng Capiz para magpagamot.

Ito’y dahil sa nagpatayo na ngayon sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) ng Satellite Treatment Center at GenXpert Site.

Pinangunahan naman ng Department of Health (DOH) ang launching ng nasabing Satellite Treatment Center sa pakikipagtulungan sa Philippine Business for Social Progress, Provincial Health Office (PHO), Municipal Health Officers (MHOs) at health workers ng 17 bayan sa Aklan.

Ayon naman kay Dr. Paul Macahilas, DRSTMH Chief of Hospital II, nagpapasalamat siya sa ginawang pagpapatayo ng satellite treatment center kung saan ang tuberculosis umano ay isang public health concern sa probinsya ng Aklan.

Samantala, kabilang sa mga dumalo sa ginanap na launching ng Satellite Treatment Center ay si Dr. Edith Gimotea, DOH 6 Regional TB Coordinator kung saan sinabi din nito na ang pagpapatayo ng treatment center ay isang “dream-come-true” para sa DRSTMH.

No comments:

Post a Comment