Monday, July 27, 2015

Aktibistang si Calaor tinuligsa ang Administrasyong Aquino

Posted July 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tinuligsa ni Bayan Aklan at aktibistang si George Calaor ang admistrasyong Aquino bago ang huling SONA ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong hapon.

Sa panayam ng YES FM Boracay kay Calaor diritsahan nitong sinabi na walang pagbabago sa mahigit limang taong pamamahala ni PNoy sa bansa.

Dito inilathala niya ang umano’y mga katiwaliang ginawa ng Pangulo katulad ng pumutok na isyu sa Pork Barrel Scam kung saan ang mga naparusahan lang umano rito ay ang mga kontra sa kanyang administrasyon.

Maliban dito marami umanong krimen ang nangyari sa bansa katulad na lamang ng extra judicial killing na tumaas ang mga bilang ng mga biktima sa kanyang pamamahala.

Tinukoy din ni Calaor ang Emergency Shelter Assistance (ESA) sa bagyong Yolanda na nagdulot umano ng “injustice” sa mga biktima dahil hanggang ngayon ay marami pa ang hindi nakatanggap ng nasabing tulong.

Samantala, sinabi din nito na sa kanyang pananaw ay walang naidulot sa probinsya ng Aklan ang kanyang pag-upo bilang Pangulo at kung meron mang nakinabang ito ay ang kanyang mga alipuris dahil hanggang ngayon ay marami parin umanong mahihirap sa probinsya.

No comments:

Post a Comment