Thursday, July 30, 2015

Kalibo at Davao International Airport kinilala bilang most efficient airport sa buong mundo

Posted July 30, 2015
Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Boracay

Image result for Kalibo International Airport (KIA)Kinilala bilang most efficient airport sa buong mundo ang Kalibo International Airport (KIA) at Davao International Airport sa ika-walo at ika-anim na pwesto.

Ito ay batay sa impormasyon at pahayag ng Hong Kong International Airport (HKIA) kung saan ang HKIA ay nakabuo ng 264.6 puntos ng workload unit.

Ayon naman kay Engineer Martin Terre, chief of the Civil Aviation Authority of the Philippines-Kalibo, isa umano itong inspirasyon kung saan lalo pa umano nilang ipagpapabuti at ipapaunlad ang kanilang serbisyo.

Sa ngayon umano ay tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang proyekto at pagpapaganda ng nasabing paliparan kasama na ang expansion ng run-way at ang pagsasaayos ng mga pasilidad para sa dumaraming mga pasahero.

Nabatid na ang KIA ay kinilala bilang mabisa sa mga tuntunin ng aircraft movement at traffic control ng 2013 kung saan sinasabing kaya din nitong makapag-hawak ng air traffic mula sa ibat-ibang bansa sa kabila na medyo may kaliitan ito.

Napag-alaman na ang Kalibo International Airport ay nakapagtala ng 211 points sa ika-walong pwesto habang ang Davao International Airport at nasa ika-anim na may 222.22 points.

Samantala ang ACI ay nag-iisang global trade representatives sa mga airport sa mundo na itinatatag noong 1991 na kumakatawan sa interest sa government at international organization katulad ng International Civil Aviation Organization.

No comments:

Post a Comment